Devotion to the Our Lady of Antipolo, let us pray....
Masintahing Ina, sumasamo at
dumudulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Panginoon sa
lahat ng mga grasya at pagpapalang ipinagkaloob Niya sa amin. Sa tulong
at awa mo, kami po ay iyong gabayan at akayim sa aming paglalakbay sa
buhay. Sa aming pagtahak sa buhay na puno ng pagaalinlangan at pangamba,
pagkalooban po ninyo kami ng lakas at tapang na tahakin ang landas ng
iyong Mahal na Anak.
Mahal na Ina, lumalapit po kami sa iyo na dulutan mo ng
mapayapang kalinga ang aming tahanan. Tulungan mo po kami na maitaguyod
ng maayos at matuwid ang aming pamilya. Sa aming paglalayag sa buhay,
palakasin at patatagin mo ang bawa’t isa sa amin na makabuo ng isang
pamayanan na pinaghaharian ng iyong Mahal na Anak.
Nawa’y sa tulong at biyaya mo, Mahal naming Ina, kami ay
kupkupin ng iyong Mahal na Anak at ilagay Niya kami sa ilalim ng Kanyang
pagkakandili at huwag kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay lalung-lalo
na sa oras ng kagipitan. Sa pamamagitan mo, Inang Mahal, pagpalain at
tangkilikin mo po ang aming paglalakbay upang mabuhay kami sa kapayapaan
at marating namin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Amen.
Ina ng kapayapaan at mabuting paglalakbay, Birhen ng Antipolo…ipanalangin mo kami.