Showing posts with label Zaragoza. Show all posts
Showing posts with label Zaragoza. Show all posts

Thursday, May 31, 2012

Nuestra Senora del Pilar de Imus


Panalangin sa Nuestra Senora del Pilar
Patrona ng Diyosesis ng Imus
Ama naming makapangyarihan,
ipagkaloob Mo sa amin ang lakas
upang alalayan kaming mga
mahihina. Pakundangan sa banal
na panalangin ng Mahal na
Birhen del Pilar, palakasin Mo
ang aming pananampalataya,
patatagin ang aming pag-asa, at
pag-alabin ang aming pag-ibig sa
pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan,

Ama namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…